hello december
kanina kumain kami sa mann hann para sa bday ng papa ko. pero hindi ako natuwa kasi may nakita akong bata sa labas. habang kumakain ako sa loob, hindi ko maatim na alam kong may gutom sa labas. sa bawat subo, katumbas ay pagkalam ng sikmura. @&%^#@%
pero hindi mo rin naman kaya tulungan ang lahat kasi hindi naman ako si darna. kaya ano ang dapat gawin? hindi ko rin alam. kaya minsan pag nsa kotse ako at may nakikita kaong papalapit na mga ganyan, pumipikit na lang ako. kunwari wala akong nakikita o naririnig na katok. nakakalungkot eh. parang nakakdurog ng puso. :(
sabi nga ng mga nakilala ko sa altp, andami nilang pangarap na gusto matupad pero hindi maabot. dahil kulang sa pera. may nakilala ako na gusto maging industrial engineer pero naguturo na lang kai iyon lang iyong available na course sa probinsya nila. hayy..
malapit na pala magpasko ano? ano kaya gusto nila matanggap? Magwiwish na lang ako kay God. na sana kahit papaano, maging masaya sila sa pasko :) sana may fried chicken sa lamesa. o kaya coca-cola na paghahatian haha! o kahit mag-inuman sila at magtugtugan sa harap ng pulutan! basta sana maging masaya sila sa araw ng pasko :)
hindi ko na minsan narerealize na anlapit na pla ng pasko kasi naman andami gagawin. ang saya kung kelan ako nagcut ng chem saka ako nakaperfect sa quiz whahah! away pa ng away nanay at tatay ko. sanmo naman mararamdaman ang pasko diba? ahaha. ang init pa ng panahon. pero masya pa rn ako dahil sa maraming bagay.
may kilala ako nalungkot dahil sa isang bagay na kinakatakutan kong mangyari din sa akin. alam kong kaya ko naman ang mga bagay bagay lalo na pag sa tiisan. kaya alam ko na hindi man ako talga matatag na matatag. kaya kong lamapasan kahit ano. kasi ako si TIISIN WOMAN! hahaha. kaya mas narealize ko rin ang mga bagay bagay. maswerte pala ako :)
saan kaya ako makakahanap ng monkey leash? naghahanap ako for Christmas eh. may pet unggoy ako na ayaw kong pakawalan :P kasi hindi lang mukhang unggoy, mabantot pa, mukha ring cub, at sympre, PANGIT.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home