Friday, June 08, 2007

kwentong gutom

may kwento ng isang mamimili na nahihirapan bilhin kung anong meryenda ang gusto nya.

manok o baboy.

hindi siya makapili kasi nakakausap nya ang 2. magtatampo ang manok kung hindi siya pipiliin. magtatampo naman ang baboy kung hindi siya pipiliin. hindi tuloy makapili ang mamimili.

alam ng mamimili na paborito niya ang dalawa. mahirap pagpilian ang mga paborito. kapag hindi nabili ang isa, mapapanis ung isa. masisira. pag pinilit naman kainin ung dalwa. mas komplikado. magaaway ang dlwa sa tiyan dahil masyadong busog. hindi makakayanan ng mamimili ang napakaraming pagkain at sa huli, bka i-ebak nya ang mga ito.

magpapagutom na lang ba? abangan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home